MaliNAMNAM

I think it’s just right to have this post all in Tagalog. Please do forgive me if there are grammatical errors here and there as it has been awhile since I last wrote in Tagalog. I know, shame on me. But here goes everything (‘coz saying “here goes nothing” is weird)!

And oh, the name of this place is no longer Namnam but MANAM. Just a change in the name. Still has the same food and everything else Namnam is. 🙂

namnamAkmang akma ang pangalan ng kainan na ito sapagkat talagang napakalinamnam ng mga potahe nila. Isa ito sa mga paboritong restawran ng aking pamilya na madalas naming dayuhin kapag kami ay nasa Greenbelt.
namnam_floorMaliit lamang ang lugar nila at madaling mapuno lalo na kapag tanghalian at hapunan. Maganda ang disenyo ng lugar na tila ba pumasok ka sa isang lumang bahay na ginawang moderno. Hindi ko mapigilang kunan ng litrato ang sahig nila sapagkat naaalala ko ang bahay ng aking lola sa probinsiya.

Ang maganda sa restawran na ito ay mayroon silang sukat para sa mga potahe nila. Ang mga sukat ay “small”, “medium” at “large”. Nakasaad kung para sa ilang tao ang bawat sukat at iba iba rin ang presyo kaya masasabi kong swak talaga sa budget. Bukod pa roon, nahahati ang kanilang menu sa dalawang klase: “classics” at “twists”. Ang mga “classics” ay ang mga tradisyonal na Pilipinong ulam samantalang ang mga “twists” naman ay ang mga pagkain na may kakaibang halo para maiba ito.

Pandan Iced Tea (P 55)
Pandan Iced Tea (P 55)

Lasang lasa ang pandan sa iced tea na ito. Talagang nakakapawi ng uhaw!

Mango+Pomelo+Coconut Cream+Sago Pearl Shake
Mango+Pomelo+Coconut Cream+Sago Pearl Shake (P 120)

Ang napili kong pampalamig ay ang Mango+Pomelo+Coconut Cream+Sago Pearl Shake nila. Mas maigting ang lasa ng mangga at gata kaysa sa pomelo. Medyo nahirapan lamang akong kunin ang mga sago dahil nasa ilalim sila ng baso. Masarap naman ito at para na rin siyang panghimagas.

Crunchy Salt & Pepper Squid Rings with Sweet Chili Sauce (Classic-Medium: P 250)
Crunchy Salt & Pepper Squid Rings with Sweet Chili Sauce (Classic-Medium: P 250)

Hindi gaanong malutong ang pusit at mainam na isawsaw sa sweet chili sauce.

Salpicao (Classic-Medium: P 285)
Salpicao (Classic-Medium: P 285)

Paborito kong pampagana nila ay ang kanilang Beef Salpicao. Tama lang ang lasa nito. Malambot ang karne at maganda ang pagkakaluto. Pag hiniwa mo yung karne, mapapansin mo na medyo malarosas ito kaya sadyang malambot. Ika nga, “medium” ang pagkakaluto sa karne. Alam kong pampagana ito subalit hindi ko mapigilan na isabay ito sa mainit na kanin kasama ang konting sarsa.

Bagoong Rice (Classic-Small: P 90)
Bagoong Rice (Classic-Small: P 90)

Sinubukan namin ang Bagoong Rice nila at talagang nasarapan kami. Tama lang ang bagoong na inilagay. Malasa at pwede na rin kahit walang kasamang ulam.

Inihaw na Tuna Belly Glazed with Lemongrass at Sampaloc (Twist-Medium: P 485)
Inihaw na Tuna Belly Glazed with Lemongrass at Sampaloc (Twist-Medium: P 485)

Medyo hindi ko nagustuhan ang tuna belly sapagkat medyo malansa. O maaaring hindi lang ako talaga mahilig sa parte ng isdang iyon. Hindi ko rin malasahan masyado ang lemongrass at sampaloc lalo na pag hinaluan ng toyo.

Laksa-style Halaan Soup with Crispy Sili Leaves & Mais (Twist-Medium: P 335)
Laksa-style Halaan Soup with Crispy Sili Leaves & Mais (Twist-Medium: P 335)

Bilang ito ay laksa, inasahan ko na magiging maanghang ito. Subalit ako ay nagulat dahil walang anghang ang sabaw na ito. Malasa naman at tila magata ang sabaw. Medyo matamis na dala marahil ng mais na nakahalo. Sana nga lang ay may konting anghang para masabi talaga na “laksa inspired” ang nasabing sabaw.

namnam_facadeHindi na kagulat-gulat kung bakit balik kami ng balik dito dahil masasarap ang mga pagkain nila. Tama lang din ang pagkakapresyo sa bawat potahe. Kaya kung naghahanap kayo ng masarap at malinamnam na pagkaing Pinoy, punta na sa Namnam! Paniguradong mabubusog kayo sa mga “classics” at “twists” na handog ng kainan na ito.

Okay, so how did I do with the whole Tagalog post? I hope I did good! I admit that it was a bit hard. My work does use the English language or even “Taglish” as a means of communication. But, this was fun. 🙂

Namnam
G/F Greenbelt 2,
Ayala Center, Makati City
Facebook: https://www.facebook.com/ManamPH

Advertisements

2 Comments

Add yours →

  1. Had fun reading your Filipino post. 😀 wish I could go there myself! Your reviews always make me yearn for food stores in Makati. (Hawkers uli?)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: